MANILA, Philippines — Pinarangalan nitong Lunes ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang apat na sundalong nasugatan sa pakikipagsagupaan sa Dawlah Islamiya-Maute Group (DI-MG).
Ang DI-MG ang sinasabing nasa likod ng pambobomba sa Mindanao State University (MSU) noong Disyembre 2023, na ikinamatay ng apat na tao.
Ayon sa Philippine Army (PA), binisita ni Marcos ang mga sugatang sundalo sa Army General Hospital sa Fort Bonifacio, Taguig City.
“Si Pangulong Marcos, na sinamahan ni Defense Secretary Gilberto C. Teodoro Jr., Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Romeo S. Brawner Jr., at Army chief Lt. Gen. Roy M. Galido personally pinned Gold Cross Medals sa dalawang sugatang sundalo bilang pagkilala sa kanilang katapangan sa pagkilos,” sabi ng PA sa isang pahayag.
“Iginawad din ng Pangulo ang Military Merit Medals with Bronze Spearhead Device sa dalawa pang sundalo para sa kanilang mahalagang papel sa nasabing operasyon,” dagdag nito.
Sugatan ang apat na sundalo sa bakbakan sa Dawlah Islamiya-Maute Group mula Enero 25 hanggang 26 sa Lanao del Sur, sabi ng PA.
May kabuuang siyam na miyembro ng DI-MG ang napatay sa engkwentro.