MANILA, Philippines โ Pinirmahan ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS) at ABS-CBN Corp. ang isang kasunduan na opisyal na maghahatid ng mga iconic Filipino entertainment programs at mga kaugnay na balita sa mas maraming audience sa pamamagitan ng free-to-air channel na ALLTV.
Sa pamamagitan ng content agreements na isinagawa sa contract signing ceremonies na ginanap sa Brittany Hotel Villar City, ang ALLTV ay magho-host ng pagpapalabas ng mga nostalgic na Kapamilya shows sa ilalim ng Jeepney TV brand at gayundin ang sabay-sabay na ipapalabas ang longest-running primetime newscast sa bansa, ang “TV Patrol.”
Simula Mayo 13, mapapanood na ng ALLTV viewers ang mga piling all-time favorite Kapamilya teleserye mula sa Jeepney TV sa iba’t ibang bahagi ng araw, kabilang ang primetime, at makuha ang pinakabagong mahahalagang balita mula sa “TV Patrol.”
Dumalo sa contract signing sina Chairman ng Villar Group Manny Villar, Sen. Mark Villar, Vista Land & Lifescapes Inc. President at Chief Executive Officer (CEO) Paolo Villar, at All Value Holdings Corp. President at CEO Camille Villar. Kinatawan ng AMBS ang pangulo nitong si Maribeth Tolentino at ang Chief Finance Officer (CFO) nitong si Cecille Bernardo.
Kinatawan ng ABS-CBN sina Chairman Mark Lopez, President at CEO Carlo Katigbak, Chief Operating Officer Cory Vidanes, Group CFO Rick Tan, at Chief Partnership Officer Bobby Barreiro.
Ang bagong partnership ay naglalayong maghatid ng kasiya-siya, nagpapayaman, at nagbibigay-kaalaman na nilalaman sa mga manonood sa pamamagitan ng ALLTV na available sa Channel 2 sa libreng TV, cable at satellite TV sa buong bansa.