MANILA, Philippines — Nakatakdang magsagawa ng weekend reblocking at repair ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa apat na kalsada sa Metro Manila, inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Biyernes.
Sa isang traffic advisory, sinabi ng MMDA na ang reblocking at repair ay magsisimula ng alas-11 ng gabi ng Biyernes, Pebrero 16, at magtatapos ng alas-5 ng umaga ng Lunes, Pebrero 19.
“Ang mga motorista ay pinapayuhan na dumaan sa mga alternatibong ruta,” sabi ng MMDA.
Ang mga sumusunod na kalsada ay maaapektuhan ng pagsasaayos ng DPWH:
- EDSA (SB), Pagkatapos ng Cabrera St. Outer Lane, Pasay City
- Taft Avenue cor. Pedro Gil St., Lungsod ng Maynila
- Rizal Avenue (SB), Mula 4th Ave hanggang 3rd Avenue, Caloocan City
- EDSA (NB), Between Tandang Sora St. hanggang D. Arellano St. (3rd Lane from sidewalk), Caloocan City
Pinayuhan ng MMDA ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta hanggang sa “fully passable” ang nasabing mga kalsada pagsapit ng alas-5 ng umaga ng Lunes. — Barbara Gutierrez, INQUIRER.net intern