Ito ang buod na binuo ng AI, na maaaring may mga error. Para sa konteksto, palaging sumangguni sa buong artikulo.
Testament sa gullibility natin bilang isang bansa na pinayagan nating mamayagpag, manatili, mag-reinvent, at muling mag-reinvent ang isang Juan Ponce Enrile
Gets na gets natin si Juan Ponce Enrile. Laking mahirap na kinonfront ang kanyang ama at nag-demand ng kanyang karapatan bilang anak (sa labas). Matalas at tunay ang mga diploma at parangal mula sa Ateneo, University of the Philippines, at Harvard. “Rockstar” siya ng Corona impeachment. (PANOORIN: 100 years of Juan Ponce Enrile)
At tila naging peacemaker at unifier siya ng magkatunggaling Marcos at Duterte camps nang dumalo sa kanyang birthday bash ang mga paksyon ng naghaharing-uri.
Bilang pinagkakatiwalaang hepe ng depensa ni Ferdinand E. Marcos, siya na ngayon ang punong presidential legal counsel ng anak ni Ferdinand Marcos Jr. – sangkot din siya sa pagkatalo ni Marcos noong 1986 EDSA People Power Revolution.
Let bygones be bygones – ang pagkalimot ang walang sing-epektibong elixir of youth ni Enrile. (Maliban daw sa stem cell?)
Hindi lamang niya muling binago ang kanyang sarili nang maraming beses kaysa kay Madonna, binago din niya ang kasaysayan sa kanyang sariling kaginhawahan.
Understatement na sabihing isa siyang political butterfly. Kahit si Donald Trump, ang Amerikanong ex-president na may talento sa pag-re-resurrect ng kanyang political career, hindi tumatawid ng party lines tulad ni JPE.
Hindi siya nagdarasal sa altar ng transactional politics, isa siya sa mga diyos doon.
Halimbawa, keber lang na noong panahon ni Benigno Aquino III ay sinuportahan niya ang pagtindig ni PNoy laban sa mga Tsino, habang noong 2021, all-out naman ang suporta niya sa pro-China policy ni Digong. Hindi lang ito agility sa changing times; hindi johnny-come-lately si JPE, siya ‘yung kapag pumasok sa kuwarto, laging nakakasa ang mga baril.
Napakarami ng superlatives na nakadikit sa pangalan ni JPE kaya baka akala ninyo grudging respect para kay Manong Johnny ang tema ng editoryal na ito. Hindi.
Kapag tinitingnan ba ng ordinaryong tao si Manong Johnny, ano ang nakikita nila? Isang power-broker, dissembler, at consummate wheeler-dealer? O isang gentleman, statesman, at legal luminary?
Testament sa gullibility natin bilang isang bansa na pinayagan nating mamayagpag, manatili, mag-reinvent, at muling mag-reinvent ang isang Juan Ponce Enrile.
Sinabi ni Milan Kundera, “Ang pakikibaka ng tao laban sa kapangyarihan ay ang pakikibaka ng memorya laban sa pagkalimot.” Pero natatakot pa rin kami sa JPE dahil mayroon kaming situational amnesia.
Tuwing mag-me-metamorphosize si Manong Johnny, bumebenta pa rin ang pagpapalit-anyo ng hunyangong ito. Dahil siguro nasisindak niya tayo, o nadadala tayo sa kanyang charisma, o simpleng walang gulugod ang mga pulitikong ibinoboto natin, mabibilang sa 10 daliri ang nagtatangkang banggain ang modern-day Rasputin na ito.
Marami tayong nililimot tungkol kay JPE. Nakakalimutan ng marami na kasama sa Rogue’s Gallery ng mga human rights violators ang Martial Law implementor na ito, katabi ang matandang Marcos at Duterte. Siya ang pamantayang ‘di kailanman mapapantayan ni Bato dela Rosa – sa tindig at talas.
May isa namang bagay na consistent si JPE – loyalty is not a virtue to him. At kung hindi man siya loyal sa sinuman, pinaligiran niya ang sarili ng mga taong loyal sa kanya. Sa gitna ng mga akusasyon ng pag-e-endorso ng bogus NGOs kapalit ng suhol sa pork barrel scam, isang Gigi Reyes ang sumalo ng mga umano’y kasalanan. (BASAHIN: ‘The Boss’ and Gigi Reyes)
Sadly, relevant pa rin si JPE – dahil siya ang walking symbol ng bulok na pulitika sa bansa. Siya ang epitome ng predatory at manipulative politics natin. Kinakatawan niya ang high power index sa bansa kung saan ang katumpakan ng sinasabi mo’y dumedepende sa kapangyarihan mo.
Relevant pa rin si JPE matapos ang isang siglo. Because in the Philippines, politicians dream they’d grow up to be like Manong Johnny. – Rappler.com