TACLOBAN CITY — Patay ang isang sundalo habang sugatan ang isa pa sa engkwentro nitong Martes, Mayo 14, sa mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa bayan ng San Jorge, Samar.
Kinilala ang nasawi na si Corporal Reycon Remedio na tinamaan sa kanyang ulo.
Ang isa pang sundalo, si Private Wilson Layson, ay tinamaan sa kanyang kanang braso.
Ibinunyag ng mga ulat mula sa 8th Infantry Division na nakabase sa Catbalogan City, Samar na ang mga sundalong kabilang sa 3rd Infantry Battalion ay nasa Barangay Gayondato upang mapadali ang paghahatid ng mga pangunahing serbisyo sa pamamagitan ng Mobile Community Support Sustainment Program sa nayon.
Habang papalapit sila sa lugar, pinaputukan sila ng mga rebelde, dahilan para gumanti sila ng putok. Nagresulta ito sa 45 minutong bakbakan.
Idinagdag sa ulat na ang mga rebelde ay mga labi ng sub-regional committee ng Eastern Visayas Regional Party Committee.
Nagpahayag ng matinding pakikiramay si Major General Camilo Ligayo, ang commanding general ng 8ID, sa pamilya at mga kaibigan ng napatay na sundalo.
“Nakakalungkot na isa pang buhay ang nawala sa paghahangad ng kapayapaan. Inialay niya ang kanyang murang buhay na nagpoprotekta sa mga residente ng Gayondato para makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa Silangang Visayas,” aniya sa isang pahayag.
“(Ngunit) hindi ito makahahadlang sa ating pagpapasya na ipagpatuloy ang ating sinumpaang tungkulin upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng ating mga komunidad. There will be no let-up in our operations,” he added as he repeated his call for the remaining active rebels to surrender and avail themselves of the various programs by the government to them.