MANILA, Philippines — Pinangunahan nitong Martes ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ika-125 Anibersaryo ng Unang Republika ng Pilipinas sa makasaysayang Barasoain Church sa Bulacan.
Kasama niya sina House Speaker Martin Romualdez at Senate President Juan Miguel Zubiri, gayundin ang iba pang mambabatas at opisyal ng lokal na pamahalaan.
Ayon sa National Historic Commission of the Philippines, ang Unang Republika ng Pilipinas ay naitatag pagkatapos na mapagtibay ang Malolos Convention ng 1899.
Kasunod ng kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya, pinalitan ng Unang Republika ng Pilipinas ang Rebolusyonaryong Pamahalaang itinatag ni dating pangulong Emilio Aguinaldo.
Gayunpaman, bumagsak ang Republika nang mahuli si Aguinaldo ng mga Amerikano noong 1901 noong Digmaang Pilipino-Amerikano.
BASAHIN: Bulacan ay nagbigay pugay sa mga makabayang Pilipino sa likod ng makasaysayang Kongreso ng Malolos