
Nagluluksa ang ABS-CBN sa pagpanaw ni Deo Endrinal, isang mahal na pinuno ng Kapamilya at isang natatanging storyteller sa likod ng ilan sa mga pinaka-memorable at groundbreaking na palabas sa telebisyon sa Pilipinas. Ang mga programang ginawa niya ay nakaantig sa buhay ng mga Pilipino sa buong mundo.
Bilang pinuno ng Dreamscape Entertainment, pinangunahan ni Deo ang kanyang koponan sa paggawa ng hindi mabilang na makabuluhang mga kuwento na sumasalamin at nagbigay inspirasyon sa aming mga manonood.
Ang pagiging malikhain ni Deo, hilig sa pagkukuwento, at pangako sa kahusayan ay makikita sa kanyang mga gawa mula noong nagsimula siya bilang isang manunulat at producer para sa kumpanya.
Ang kanyang init, pagkabukas-palad, at dedikasyon ay nagpamahal sa kanya sa marami.
Sa pamamaalam namin sa isang forever Kapamilya, ipinaaabot namin ang aming lubos na pakikiramay sa kanyang anak na si PJ, sa kanyang mga kamag-anak, sa Dreamscape team, sa lahat ng aming Kapamilya sa ABS-CBN, sa aming mga partner, at mga kaibigan sa industriya. Ang kanyang mga kontribusyon sa industriya ng entertainment ay palaging maaalala at iingatan.
Rest in peace, Deo. Forever ka naming Kapamilya! Mahal na mahal ka namin!








