MANILA, Philippines – Inaasahan ang maulap na kalangitan at isolated rain showers sa buong bansa sa Linggo dahil sa shear line, northwest monsoon o “amihan” at localized thunderstorms, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
“Inaasahan ang pag-ulan sa maraming bahagi ng bansa dahil sa shear line o kapag nagsalubong ang malamig na hangin at mainit na hangin. Sa central at eastern portions ng Visayas at Mindanao, isolated rain showers and thunderstorms are expected,” Pagasa weather specialist Daniel James Villamil said in Filipino.
Ang “amihan,” dagdag ni Villamil, ay magdadala ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan sa silangan at timog na bahagi ng Luzon at kanlurang bahagi ng Visayas.
Ang Metro Manila ay magkakaroon ng posibleng mahinang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog habang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ang iiral sa natitirang bahagi ng Mindanao.
Posible ang flash flood at landslide sa mga lugar na apektado ng ulan, babala ng Pagasa.
Idinagdag nito na walang low-pressure area na binabantayan sa loob at paligid ng Philippine area of responsibility.