Isang magnitude 5.0 na lindol ang tumama malapit sa Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental noong Lunes ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Naganap ang tectonic quake sa layong 42 kilometro hilagang-kanluran ng Balut Island alas-7:41 ng gabi, na may lalim na 24 kilometro.
Ang mga sumusunod na intensity ay naitala:
- Intensity IV: Kiamba, Sarangani
- Intensity III: General Santos City; Maasim at Maitum, Sarangani; Tupi, South Cotabato
- Intensity II: Don Marcelino, Davao Occidental
- Intensity I: Lake Sebu, South Cotabato; Jose Abad Santos, Davao Occidental
Ipinahayag ng PHIVOLCS na malabo ang pinsala mula sa lindol, bagama’t posible ang mga aftershocks. — DVM, GMA Integrated News