Ang mga barkong pandigma ng China na nakita sa pandagat na ehersisyo ng mga puwersang pandagat ng Pilipinas, United States, at France sa West Philippine Sea (WPS) ay lumabag sa notice to mariners (NOTAM), sabi ng isang opisyal ng Balikatan.
Sa isang press conference, sinabi ni Balikatan executive agent Colonel Michael Logico na ipapadala ang ulat sa insidente sa National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) para sa posibleng diplomatikong tugon.
“May na-violate sila syempre (Of course, they violated it),” sabi ni Logico nang tanungin kung nilabag ng Chinese People’s Liberation Army Navy (PLAN) ang NOTAM sa kanilang presensya.
Aniya, inaprubahan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang NOTAM, na hiniling ng Balikatan organizers upang matiyak ang kaligtasan sa pagsasagawa ng maritime activity kabilang ang gunnery exercise.
“Yung NOTAM ay para sa kanilang kaligtasan dahil nagsasagawa rin kami ng gunnery exercises sa lugar. So for them to enter into our training area knowing fully well that we are conducting these types of activities, it was a big risk on their part for them to do that,” sabi ni Logico.
Ang mga sasakyang pandagat ng Chinese PLAN Navy na may bow number 167 at 793 ay nakita sa pagsasagawa ng mga pagsasanay, ayon kay Logico.
Ang Pilipinas at US noong Abril 22 ay opisyal na nagsimula ng kanilang taunang joint military exercise o Balikatan para sa taong ito.
Bilang bahagi ng Balikatan, ang hukbong pandagat ng Pilipinas, US, at France ay nagsagawa ng kanilang unang multilateral maritime exercise mula Abril 25 hanggang 29.
Ang mga kalahok ay sumali sa isang surface gun exercise (GUNNEX) para sa kanilang live-fire na kakayahan at mga kasanayan sa komunikasyon.—AOL, GMA Integrated News