MANILA, Pilipinas — Sinabi ng Department of Health (DOH) nitong Lunes na inaasahan ang pagdami ng kaso ng respiratory illnesses, kabilang ang pertussis o whooping cough sa gitna ng Holy Week travel rush.
“Nakikita ng DOH ang posibleng pagtaas sa bilang ng mga kaso ng mga sakit sa paghinga, kabilang ang Pertussis, na may pagtaas ng paggalaw habang kami ay naglalakbay tuwing Semana Santa,” sinabi ni DOH Assistant Secretary Albert Domingo sa Inquirer.net sa isang text message.
Binigyang-diin ni Domingo, gayunpaman, na ang panganib na ito ay maaaring mabawasan.
“Ang publiko ay maaaring magpatuloy sa pang-araw-araw na gawain. Ang paggamit ng face mask ay patuloy na boluntaryo ngunit lubos na hinihikayat. Takpan ang ubo (cough into your elbow), and choose well-ventilated areas,” paliwanag niya.
Binigyang-diin din ni Domingo na ang pagbabakuna ang pinakamabisang solusyon laban sa mga sakit.
Mahalak na ubo
Nauna nang nagpaalarma ang DOH sa tumataas na kaso ng pertussis o whooping cough sa mga bata.
Ang pertussis ay isang nakakahawa na bacterial respiratory infection na nagdudulot ng mga sintomas na tulad ng trangkaso – banayad na lagnat, sipon, at pag-ubo 7 hanggang 10 araw pagkatapos ng pagkakalantad.
Sa karaniwang mga kaso, ito ay nagiging tuyong ubo, na nagtatapos sa isang whooping sound habang nilalanghap ang hangin.
Ang isang nakaraang DOH health advisory ay nagsabi na ang sakit sa paghinga ay maaaring gamutin sa pamamagitan ng antibiotics ngunit ito ay pinakamahusay na maiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna.
Sinabi ng departamento ng kalusugan na “tatlong pangunahing dosis ng pagbabakuna ng DTaP (diphtheria, tetanus, at acellular pertussis vaccine) ang nagbibigay ng immunity sa pertussis.”
Iniulat ni DOH Spokesperson Eric Tayag nitong weekend na nasa 800,000 hanggang isang milyong dosis ng Pertussis vaccines ang inaasahang darating sa bansa sa kalagitnaan ng 2024.
Noong Marso 9, sinabi ni Tayag na mayroong 167 na kaso ng pertussis at 35 na kaugnay na pagkamatay sa buong bansa, na karamihan ay nangyayari sa Metro Manila, na sinundan ng Calabarzon at Central Visayas.
Ilang lungsod sa buong bansa, kabilang ang Quezon City at Iloilo City, ay nagdeklara na ng outbreak.