Suspek sa posas graphics. INQUIRER.net
MANILA, Philippines — Arestado ang isang 22-anyos na lalaki matapos mahulihan ng mahigit P1.1-milyong halaga ng hinihinalang crystal meth o shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Pasay City nitong Miyerkules ng umaga, ayon sa pulisya.
Sa isang ulat, ibinunyag ng Southern Police District (SPD) na ang suspek na si John James Tan ay naaresto sa kahabaan ng Captain Merong Street, kanto ng M. Acosta Street sa Barangay 77, dakong alas-3 ng umaga
Sinabi ng pulisya na nag-ugat ang operasyon matapos nilang magsagawa ng serye ng surveillance at monitoring sa suspek.
Nakumpiska sa kanya ang isang plastic na shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 100 gramo at tatlong sachet na naglalaman ng narcotics na humigit-kumulang 75 gramo — na ayon sa Dangerous Drug Board ay humigit-kumulang P1.19 milyon.
BASAHIN: 4 na lalaki, nakuhanan ng P6.8 milyong halaga ng shabu sa Pasay drug-bust — PDEA
Ayon sa SPD, pansamantalang nakakulong si Tan sa Pasay City Custodial Facility habang inihahanda ang mga kaukulang dokumento para sa kanyang inquest proceedings.
Idinagdag nito na haharap siya sa mga reklamo dahil sa paglabag sa Section 5, Article 2 ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang ang mga nakumpiskang ilegal na droga ay isinumite sa SPD Forensic Unit para sa laboratory examination.