MANILA, Philippines โ Arestado ng mga opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng Cagayan Valley ang isang 21-anyos na lalaking estudyante dahil sa pagbebenta ng marijuana sa isang entrapment operation nitong Huwebes ng hapon.
Sa ulat ng PDEA, nahulihan ang suspek ng isang kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng P120,000.
Nagbebenta ng produkto ang 21-anyos sa isang operatiba na nagpanggap na buyer nang arestuhin sa Barangay Centro 11 sa Tuguegarao City sa lalawigan ng Cagayan alas-2:30 ng hapon noong Nobyembre 21.
BASAHIN: Marijuana na ibababa sa listahan ng mga mapanganib na droga? PDEA, DBB bukas sa ideya
Nasamsam din ng PDEA ang isang glass pipe na sinasabing naglalaman ng mga bakas ng marijuana, isang plateless Suzuki Raider 160, isang cellphone, at buy-bust money sa operasyon.
Ang artikulo ay nagpapatuloy pagkatapos ng patalastas na ito
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act laban sa suspek.
BASAHIN: 5 drug suspect, arestado sa pot session, buy-bust sa Quezon