MANILA, Philippines — Nagluksa ang elections watchdog Parish Pastoral Council on Responsible Voting (PPCRV) sa pagpanaw ng industrialist at National Citizens Movement for Free Elections (Namfrel) co-founder na si Jose “Joecon” Concepcion Jr.
Parehong nagsilbing sandata ng mga mamamayan ang PPCRV at Namfrel sa mga halalan sa buong bansa.
“Ang kanyang maagang kampeonato sa pagbabantay sa boto at pagsubaybay sa katumpakan nito ay isang pamana na iniiwan niya,” sabi ng PPCRV sa isang post sa social media.
“Saludo kami sa kanyang pangunguna sa pamumuno ng Namfrel, ang kanyang pagkakaibigan ay pinalawak sa iba pang mga katulad na tagapagtaguyod. Idinadalangin namin ang walang hanggang pahinga ng kanyang kaluluwa,” dagdag ng grupo.
Bago ang co-founding ng Namfrel, si Concepcion ay nagsilbi bilang Trade and Industry sexretary noong administrasyon ng noo’y pangulong Corazon Aquino.
Pumanaw si Joecon noong Miyerkules, Marso 6, sa edad na 92. Inanunsyo ng kanyang pamilya ang kanyang pagpanaw sa isang pahayag ngunit hindi nagbigay ng mga detalye.
“Umaasa kami na makatagpo sila ng aliw sa pag-alam na ang kanyang buhay ay maayos, mahal na mahal,” dagdag ng PPCRV.
Ang wake ay nasa Heritage Memorial Park sa Taguig City.
Isang Requiem Mass din ang ihahandog sa Lunes, Marso 11, sa ganap na 1:15 ng hapon sa Santuario de San Antonio Parish Church, Forbes Park, Makati City.