Sinabi ng oposisyon ng South Korea noong Huwebes na naghain ito ng impeachment motion laban kay acting President Han Duck-soo, matapos tumanggi siyang magtalaga ng mga hukom ng Constitutional Court para kumpletuhin ang proseso ng pagtanggal sa kanyang hinalinhan sa pwesto.
“Naghain kami ng mosyon bago ang sesyon ng plenaryo at iuulat ito ngayon,” sinabi ni MP Park Sung-joon sa mga mamamahayag sa National Assembly. “Ilalagay namin ito sa botohan bukas.”