Nagpahayag ng pagkabahala noong Lunes si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Russian attack submarine na namataan sa West Philippine Sea noong nakaraang linggo.
“That’s very concerning. Any intrusion into the West Philippine Sea, of our EEZ, of our baselines is very worrisome. Yes it’s just another one,” Marcos told reporters.
Sinabi ni Marcos na hahayaan niya ang militar ng Pilipinas na talakayin ang usapin.
Sinabi ni Philippine Navy spokesperson for WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na namonitor nila ang presensya ng Russian attack submarine.
Sinabi niya na ang barko ay ang Ufa ng Russian Navy.
Mula sa Malaysia, unang nakita ang Russian attack submarine sa layong 80 nautical miles kanluran sa Occidental Mindoro noong Nobyembre 28.
Agad nagpadala ang Philippine Navy ng sasakyang panghimpapawid at barkong pandigma para subaybayan ang paggalaw ng sasakyang pandagat ng Russia.
Ayon sa Philippine Navy, hindi lumubog ang Ufa dahil mabagal itong gumalaw pahilaga sa labas ng territorial waters ng Pilipinas hanggang sa katapusan ng linggo.—AOL, GMA Integrated News