
MANILA, Philippines — Arestado na ang mga suspek sa pananaksak sa isang estudyante sa University of the Philippines Diliman sa Quezon City, ayon sa pulisya nitong Miyerkules.
Arestado ang mga suspek, kapwa may edad 14 at 15, kasunod ng manhunt operation sa Barangay Krus na Ligas nitong Martes ng gabi, ayon kay Quezon City Police District (QCPD) chief Brigadier General Redrico Maranan.
Positibong nakilala rin aniya ng biktima ang dalawang suspek, na nagtamo ng mga sugat matapos manlaban sa mga robbery hold-up suspects.