Sabi ni Eric Quizon, hindi raw umusad ang almost-romance nila ni Aiko Melendez dahil na-realize niya ang gap between their age.
Sa isang panayam kay Ogie Diaz, inalala ni Quizon ang oras na sinasabing nililigawan niya ang aktres, at sinabing malapit sila sa isa’t isa dahil on-screen partners sila.
“Ang agwat kasi namin nine years. Naging close kami kasi naging magkalove team kami. Yes, there was a time na parang meron. Nagkita pa kami sa Hongkong,” he shared.
Napansin ng aktor ang agwat ng edad nila ni Melendez kaya hindi na niya ituloy ang relasyon.
“Nakita ko ‘yung age difference namin kasi sabi ko parang pedophile naman ang dating ko dito kapag ang babae teenager, kung nine years (gap) namin, nag umpisa ako mag artista at 20,” he said.
“Si Aiko nag umpisa mag artista 13, so nung mga 22 na ako saka pa lang siya nag uumpisa. Although we became very close kami ni Aiko kasi may chemistry kami,” dagdag pa ng aktor.
Idinetalye ni Quizon kung gaano siya kalapit sa actress-counselor, binanggit na genuine at walang malisya ang kanilang mga aksyon sa isa’t isa, kaya naging matagumpay ang kanilang love team noon.
“Minsan niloloko kami ng mga direktor namin kasi bago magtake tawanan kami ng tawanan, naglolokohan kami, nahihiga kami, humihiga siya sa lap ko, na hindi namin nilalagyan ng malisya, ganun kami naging close kaya maski ‘yung love team namin malaki ‘yung difference. ng age namin nagwork rin siya,” he shared.
Pinag-isipan din ng talent manager na ngayon ang kanyang pagpili na huwag mag-settle down at magkaroon ng pamilya, at sinabing sanay na siyang mag-isa.
“Nagkaroon naman ako ng mga relationships kaya lang parang hindi talaga siya nagwowork, siguro masiyado lang talaga ako naging independent. Hindi ko kaya na may kasama sa bahay. Gusto ko talaga ‘yung mag isa,” he said.
Sinabi ni Quizon na ang pagtatrabaho bilang talent manager ay nagbigay sa kanya ng pagkakataon na maranasan ang pagiging ama kahit papaano.
“Instantly para ako naging tatay kasi I accepted this work as a talent head of star center, meron akong 32 kids, naiintindihan ko na kung paano maging stage father,” he said .
“So yes, I must admit na because of that, kumbaga parang hindi ko naisip ‘yon. Siguro I was not meant to have my own kids but to adopt new kids,” affirmed the actor.