MANILA, Philippines — Nagbabala ang Bureau of Fishes and Aquatic Resources (BFAR) sa publiko nitong Huwebes na hindi ligtas para sa pagkonsumo ang mga inaani ng isda mula sa mga lugar na may oil slicks.
“Pinaninindigan ng Bureau na bilang isang hakbang sa pag-iingat, ang mga isda na inaani mula sa mga lugar kung saan ang mga oil slick ay naobserbahan ay itinuturing na hindi ligtas para sa pagkain ng tao. Ito ay para maiwasan ang mga insidente ng food poisoning bunga ng pag-ingest ng kontaminadong seafood,” ani BFAR sa isang bulletin.
BASAHIN: Coast Guard: Hindi ligtas ang pangingisda sa Manila Bay dahil sa oil spill
Ang mga fish sampling na nakolekta mula sa Noveleta at Rosario sa Cavite ay “nagpakita ng ilang antas ng bahid ng mga petrochemical, kahit na bago pa man mapansin ang anumang oil slicks sa lugar.”
Samantala, ang mga sample ng isda mula sa Tanza, Cavite City, at Naic ay walang nakitang senyales ng petrochemical contamination sa oras na kinuha ang mga sample.
Ayon sa BFAR, patuloy itong nagsasagawa ng fish sampling sa mga apektadong tubig ng Region 3, Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon), at National Capital Region para matukoy kung kontaminado ang isda at iba pang pagkaing-dagat.
Idineklara ni Cavite Governor Jonvic Remulla ang “no catch and sell zone” noong Miyerkules para sa lahat ng shellfish sa coastal areas ng lalawigan matapos umabot sa kanilang baybayin ang oil spill.
BASAHIN: 8 lugar sa Cavite ang isinailalim sa state of calamity dahil sa oil spill
Dala ng Motor Tanker Terranova ang 1.4 million liters ng industrial fuel nang tumaob ito at tuluyang lumubog sa Bataan noong Hulyo 25. Ang oil spill ay kumalat sa 12 hanggang 14 kilometro sa Manila Bay noong Sabado.
BASAHIN: Umabot sa 19,000 ang mga biktima ng oil spill sa Mindoro