MANILA, Philippines — Arestado ang dalawang Vietnamese sa Pasay City nitong Martes ng umaga dahil sa umano’y pananakot sa isang customer ng bar gamit ang kanilang illegally possessed firearm, ayon sa Southern Police District (SPD).
Sa ulat, kinilala ng SPD ang mga dayuhan sa kanilang alyas na Van, 26, at Huang, 23. Nadakip ang dalawa sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Barangay 76, Zone 10, dakong alas-3 ng madaling araw.
Batay sa imbestigasyon, nakatanggap ang pulisya ng report mula sa complainant na si “Truong,” Vietnamese din, na sinabing binantaan siya ng dalawang suspek sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang baril habang nasa loob ng bar.
BASAHIN: 2 arestado sa Las Piñas City dahil sa illegal possession of firearm, drugs
Sinabi ng SPD na rumesponde sa ulat ang mga operatiba ng Pasay Station Intelligence Section at iba pang tauhan na nagpapatrolya sa lugar at kinulong ang mga suspek.
Nakumpiska sa kanila ang isang pistola na kargado ng tatlong piraso ng bala (walang lisensiya sa pagmamay-ari at pagtataglay ng mga baril) at isang maliit na sachet na naglalaman ng puting hinihinalang crystal meth o shabu, na nagkakahalaga ng P10,200.
Kasalukuyan silang nakakulong sa Pasay Headquarters habang hinihintay ang pagsasampa ng mga reklamo laban sa kanila.
BASAHIN: Inaresto ang babaeng Vietnamese sa Naia dahil sa hindi masusunod na pag-uugali