Alam mo ba na may mga squirrels na endemic sa Pilipinas?
Ang Philippine Tree Squirrel (Sundasciurus philippinensis) ay matatagpuan sa Visayas tulad ng Bohol, Leyte, at Samar; at bahagi ng Northern Mindanao tulad ng Surigao.
Noong Mayo 2024 lamang, dalawang Philippine tree squirrels ang nakita sa kagubatan ng Ormoc City. Naitala ng isang video ang pagkakaroon ng dalawang “kulagssing.”
Nakita ang dalawa sa Biodiversity Monitoring sa Tongonan, Ormoc City sa Lalawigan ng Leyte noong Mayo 15, 2024.
Sinabi ni Ronelmar Aguilar, ang nag-upload ng video, na regular na silang nagsagawa ng information education campaign sa lugar mula nang mamataan nila ang mga squirrels at nagsagawa rin ng drone patrol para hikayatin ang mas maraming residente na protektahan ang ganitong uri ng daga. —GMA Regional TV