RIO DE JANEIRO — Ang malakas na pag-ulan na tumama sa Rio de Janeiro state ng Brazil nitong weekend ay pumatay ng hindi bababa sa 11 katao, ayon sa state fire service.
Binaha ng mga pag-ulan ang mga kalye, linya ng metro ng kabiserang lungsod at mga tahanan ng mga tao, na nagpabagsak ng mga puno at nagdulot ng pagguho ng lupa.
Ang Mayor ng Rio na si Eduardo Paes ay nag-anunsyo ng state of emergency habang ang gobyerno ni Pangulong Luiz Inacio Lula da Silva ay nag-alok ng suportang pederal.
Hinahanap pa ng mga bumbero ang isang babae na nawawala matapos mahulog ang kanyang sasakyan sa ilog.