Nobyembre 13, 2024 | 3:42pm
MANILA, Philippines — Matagumpay na ginanap ng Star Cinema at GMA Pictures ang premiere night ng inaabangang pelikulang “Hello, Love, Again” na pinagbibidahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo kagabi sa SM Megamall.
Bago ang screening, sinabi ng direktor na si Cathy Garcia-Sampana na ipapalabas ang pelikula sa 500 sinehan sa buong bansa at 400 sinehan sa ibang bansa.
“Maraming salamat po, una sa Diyos na we are here gathered to witness the very first screening of ‘Hello, Love, Again,'” Cathy said.
“Maraming-maraming salamat 900 cinemas all over the world. This movie po is galing sa mga puso namin para sa inyo. Isa lang ang aming dasal, sana ay magustuhan niyo,” she added.
Ang mga sinehan sa buong bansa ay nag-aalok ng midnight screening ng pelikula, na napapanood sa mga sinehan sa Pilipinas ngayong araw, Nobyembre 13.
Sa nakikita sa iba’t ibang social media sites, dumagsa ang mga moviegoers sa iba’t ibang sinehan sa bansa.
Nagpasalamat si Alden sa executives ng GMA-7 at ABS-CBN sa paggawa ng pelikula.
“Ito na po ang pinaghirapan namin ng ilang buwan during the beginning of 2024. I hope you guys enjoy the film,” Alden said.
Nagpasalamat si Kathryn sa lahat ng sumuporta sa paggawa ng pelikula.
“Maraming salamat. It means the world to us. Actually kabang-kaba ako ilang araw na and kanina gumising ako na sobrang kinakabahan. Pero ngayon mas excitement ang nafi-feel ko ngayon,” she said.
Ang “Hello, Love, Again” ay ang sequel ng 2019 record-breaking na pelikula na “Hello, Love, Goodbye.” Ang sequel film ay naganap limang taon matapos iwan ni Joy (Kathryn) si Ethan (Alden) sa Hong Kong para ituloy ang mas magandang buhay sa Canada.
KAUGNAY: Review: Kathryn Bernardo, mabibigla ang fans sa ‘Hello Love Again’