MANILA, Philippines — Si Associate Justice Fernanda Lampas-Peralta ang bagong hepe ng Court of Appeals (CA), ayon sa Presidential Communications Office (PCO) nitong Martes.
Ayon sa PCO, itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Peralta bilang presiding justice ng CA at pinangasiwaan ang panunumpa sa kanya sa Palasyo ng Malacañan noong Lunes, Nobyembre 18.
Bago ang kanyang appointment, si Peralta ay nagsilbi bilang acting presiding justice ng CA sa loob ng dalawang buwan, kasunod ng mandatoryong pagreretiro ni noo’y Presiding Justice Remedios Salazar Fernando noong Setyembre 2023.
Si Peralta ay nagtapos ng Business Administration sa University of the East at nagtapos ng law school sa San Beda College at Far Eastern University.
Naipasa niya ang kanyang board exam bilang Certified Public Accountant noong 1980, at ang bar exam noong 1984 —parehong sa unang pagsubok.