Ito ang buod na binuo ng AI, na maaaring may mga error. Para sa konteksto, palaging sumangguni sa buong artikulo.
Si Lawyer Hubert Dominic Guevara ay senior deputy executive secretary bago itinalaga sa Securities and Exchange Commission noong unang bahagi ng Marso
MANILA, Philippines – Pumanaw noong Biyernes Santo, Marso 29, ang abogadong si Hubert Dominic Guevara, kabilang sa mga commissioner ng Securities and Exchange Commission (SEC), inihayag ng Malacañang.
Si Guevara ay hinirang sa puwesto noong unang bahagi ng Marso.
Bago siya sumali sa SEC, nagsilbi siya bilang senior deputy executive secretary.
“Maaalala ang dating SDES Guevara sa kanyang diwa, dedikasyon, at ulirang paglilingkod sa sambayanang Pilipino. He will remain fondly in the memory of all who had the privilege of working with him and call him a friend,” ani Malacañang sa isang post sa social media.
Si Guevara ay dating nagtrabaho sa SEC bilang direktor ng dating Compliance and Enforcement Department, na ngayon ay tinatawag na Enforcement and Investor Protection Department. Ayon sa SEC, si Guevara ay managing partner din ng Guevara Adarlo & Caoile Law Offices.
Nag-aral ng abogasya ang yumaong SEC commissioner sa Ateneo de Manila University, kung saan nakakuha rin siya ng bachelor’s degree sa legal management. – Rappler.com