Dalawang beses nang bumisita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Australia ngayong taon
Dalawang beses nang bumisita sa Australia si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong taon. ‘Yung una ay noong Pebrero para sa isang state visit, at ang pangalawa naman ay nitong unang linggo ng Marso, para sa ASEAN-Australia Special Summit. Siya ang naging kauna-unahang Pilipinong nagtalumpati sa Australian Parliament.
Bakit napapadalas sa Australia si Marcos? ‘Yan ay dahil ang Australia ay isa sa mga itinuturing na regional power dito sa Indo-Pacific, at ang Pilipinas naman ay may mahalagang bahaging ginagampanan sa pagpapanatili ng kapayapaan sa rehiyon. Strategic ang lokasyon ng Pilipinas, at nasa gitna ito ng alitan sa teritoryo sa South China Sea, na sanhi ng tensiyon sa Indo-Pacific region. Ipapaliwanag ni Rappler editor-at-large Marites Vitug ang isyu, sa episode na ito. – Rappler.com
Presenter, writer: Marites Vitug
Video editor, video researcher: Jaene Zaplan
Videographer: Jeff Digma
Producer: JC Gotinga
Nangangasiwa sa producer: Beth Frondoso