
Paano naaabuso ang cryptocurrency sa sistemang ito?
MANILA, Philippines – Ang perang nasa-scam ay dumadaan daw sa isang underground money system, kaya nahihirapan ang mga imbestigador na hanapin at ibalik sana sa mga biktima.
Paano naaabuso ang cryptocurrency, at ano ang papel ng mga casino junket, sa sistemang ito ng money laundering?
Panuorin sa report na ito ni Lian Buan.
Basahin din ang in-depth report tungkol dito: “Paano dumadaloy ang maruming pera sa pamamagitan ng pH crypto at underground banking casino.”
Transcript
Saan ba dumadaan ang mga perang nasa scam at bakit hirap na hirap tayong tuntunin ito? Short answer to a complex question: sa underground system gamit ang mga casino junket at cryptocurrency.
I’ll try to explain it using the murder case of Chinese businessman Anson Que. Bakit? Kasi ‘yung pinagdaanan ng ransom money para kay Anson Que ay similar din daw sa underground banking infrastructure na dinadaanan ng mga scamming money.
Paano nangyayari ‘yun? Imagine this is $2.5 million at ready na akong ipang-ransom ito para sa mahal ko sa buhay. Pero ang gusto ng mga kidnappers, gumamit ako ng crypto para hindi ma-trace.
Then I would have to use casino junket operators who are operating what are called OTCs or over the counter. Sila ‘yung mga ito. Puwede kong dito ilagay ang pera ko para maging crypto. Ang mga OTC na ito, ang siyang bahala para magbigay nito sa mga kidnapper. But let’s suppose na ang gusto ng mga kidnapper ay makuha nila ang pera na nasa US dollars na at hindi crypto.
So gagamit ang OTC ng tinatawag na crypto exchange, na ginagamit naman lahat ng crypto investors. Dito sa crypto exchange mangyayari ang palitan, mula dito manggagaling ang pera papunta sa kidnapper, at ang OTC na ang bahala na papunta sa mga bulsa nila dito.
But in all of this that happened, ito lang ‘yung recorded on transaction. And everything else, including this, hindi na makikita ng financial trail investigators.
Ang ginamit na crypto sa pagbayad ng ransom money kay Anson Que, ay Tether. Paano ko nalaman? Meron kasing mga public search engine tulad nito na puwedeng mag-track ng mga crypto transactions basta alam mo kung ano ‘yung account at ano ‘yung transaction ID.
Mula sa mga dokumento sa kaso, nalaman ko kung ano yung account at nakapag-generate ang mga public search engine na ito ng isang statement of account na pinapakita na USDT or Tether ‘yung cryptocurrency na ginamit. At nag-match ‘yung mga sinabing dineposit ng anak ni Anson Que doon sa statement of account na nag-generate nito.
But that’s all that I can know. Hindi ko malalaman kung sino ang may-ari ng account at hindi ko rin malalaman kung nasaan ‘yung mga account na ito. And generally, that’s the point of crypto: it’s decentralized, walang mga middlemen, walang mga bank.
In a utopia, madaling ma-access ang mga financial services. In a dystopia, lahat tayo ninanakawan pero hindi natin alam kung saan napupunta. But Tether is centralized. And in the past, it has helped law enforcement agents track and freeze stolen money. My sources tell me this is the same underground infrastructure na dinadaanan ng mga na-scam na pera mula sa Pilipinas.
Take for example the case of the Bamban, Tarlac, scam hubs. Nakita ko rin sa mga dokumento na napansin ng mga investigator na ‘yung mga illegal Philippine offshore gaming operators at maging ‘yung real estate company ni Alice Guo, hindi dumaan sa formal banking system. It makes them so suspicious kasi paano nila mapapaandar ang operasyon nila kung wala silang pera sa kanilang mga bangko.
What makes the Anson Que case more remarkable, pinangalanan ng mga police ‘yung casino junket operator na nag-facilitate ng ransom. Ito ay ‘yung 9 Dynasty. At yung 9 Dynasty ay may connection ng matagal na binabantayan sa isang POGO na na-raid noong 2023.
Ang isa sa mga Chinese big boss ng mga illegal POGO dito sa Pilipinas na si Huang Zhiyang na hanggang ngayon ay pugante pa rin, nahanapan sa bahay niya ng mga gamit na may marka ng 9 Dynasty. At ‘yung may-ari ng 9 Dynasty ay minsan nang napikturan kasama ng ninong ni Cassandra Ong na hanggang ngayon ay hindi pa rin natin nakikita.
This is one big global network of organized crime and we are but just one of the many stops. ‘Yung may-ari ng 9 dynasty na si Mark Ong o si Liduan Wang, hindi natuloy ‘yung pagiging naturalized Filipino citizen niya dahil hinarang ni Senator Risa Hontiveros noon at kalaunan ay vineto din ni President Ferdinand Marcos Jr.
All of this is bad news for the honest to goodness people na gusto lang namang mag-invest sa cryptocurrency. Pero bad news din to sa mga nascam kasi isang lupalop ng mundo natin hahanapin ang pera nila? – rappler.com








