Isang magnitude 5.4 na lindol ang tumama sa bayan ng Pangutaran sa Sulu noong Miyerkules ng gabi, sabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Sinabi ng mga state seismologist na ang lindol na tectonic ang pinagmulan ay tumama sa 107 kilometro hilagang-kanluran ng Pangutaran bandang 11:04 ng gabi na may lalim na 10 kilometro.
Sinabi ng PHIVOLCS na walang inaasahang pinsala, ngunit posible ang mga aftershocks. — BAP, GMA Integrated News