LUCENA CITY – Limang araw matapos matupok ng apoy ang 15 bahay na nagdulot ng pagkamatay ng apat na katao sa lungsod na ito, dalawa pa ang sumiklab noong Martes, Enero 30, at nasunog ang pito pang bahay.
Bandang alas-9:30 ng gabi, tinupok ng apoy ang isang lumang abandonadong bahay sa Barangay 9, ayon sa ulat ng Quezon police noong Miyerkules, Enero 31. Mabilis na kumalat ang apoy sa tatlo pang kalapit na bahay.
Idineklarang under control ang sunog alas-10:58 ng gabi
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng sunog.
Nauna rito, sumiklab ang sunog dakong alas-9:15 ng umaga sa Barangay Ibabang Iyam at tatlong bahay ang naabo.
BASAHIN: 4 patay, 1 sugatan sa sunog sa Lucena City
Sinabi ng pulisya na posibleng sanhi ng faulty electrical wiring ang sunog sa isa sa mga nasunog na bahay matapos maamoy ng isa sa mga biktima ang nasusunog na mga wire bago sumiklab ang apoy.
Naideklarang under control ang sunog makalipas ang 50 minuto matapos itong magsimula.
Walang naiulat na nasawi o malubhang pinsala sa dalawang insidente ng sunog.
Tinataya ng mga awtoridad ang pinsala sa dalawang sunog na P1,280,000.
Noong Enero 26, sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay 1 na tumupok ng hindi bababa sa 15 bahay. Hindi bababa sa apat na tao ang namatay at isa ang malubhang nasugatan sa sunog.