MANILA, Philippines — Nakakuha ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng mahigit P100 milyon na pondo ng gobyerno para makatulong sa pagprotekta sa mga nanganganib na species ng hayop sa Pilipinas, sinabi ni Environment Ssecretary Maria Yulo Loyzaga nitong Martes.
Ayon kay Loyzaga, naglaan din ang Kongreso ng pondo sa national budget para sa marine research station ng DENR.
“Mahalaga po talagang pinagtutuunan ng atensiyon ang biodiversity po natin, we were able to secure over P500 million just to work on the enhancement of our marine research station po; also another P100 million for our threatened species,” said Loyzaga in the Bagong Pilipinas Ngayon public briefing.
“Binibigyan natin ng nararapat na kahalagahan at atensyon ang ating biodiversity, naka-secure tayo ng mahigit P500 milyon para lang magtrabaho sa pagpapahusay ng ating marine research station, at isa pang P100 milyon para sa ating mga threatened species.)
Ilan sa mga threatened species na ito ay kinabibilangan ng Philippine Eagle, dugong, tamaraw at Palawan cockatoo, ani Loyzaga.
Ipinunto ni Loyzaga na mahalagang protektahan ang biodiversity ng Pilipinas dahil ito ay nauugnay sa food and water security.
Sinabi niya na ang ecosystem ng Pilipinas ay “mega-diverse”, at kinikilala sa buong mundo.
Sa katunayan, ang gobyerno ay tumatanggap din ng internasyonal na pondo para sa biodiversity, ani Loyzaga.
“Over 260 million, mga 270 million US dollars na pumapasok po sa atin in terms of our foreign funds and projects,,” she said.