Binati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Linggo ang mga residente ng Iloilo na nagdiriwang ng Dinagyang Festival at hinimok sila na hayaan ang kaganapan na ipaalala sa kanila ang pangangailangang isulong ang pagkakakilanlang Pilipino.
“Hayaan ang Dinagyang Festival na magsilbing paalala ng ating sama-samang responsibilidad na pangalagaan, protektahan, at itaguyod ang ating pagkakakilanlan sa pagbabago ng panahon na ito,” sabi ni Marcos sa mensaheng ibinahagi ng Presidential Communications Office.
Ang sama-samang pagsisikap ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagdiriwang ay masisiguro ang pagpapatuloy ng natatanging paraan ng pamumuhay sa bansa, aniya.
“Sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap na ito ay tinitiyak natin ang pagpapatuloy ng natatanging paraan ng pamumuhay na nagbubuklod sa atin bilang isang bansang sumusulong sa mas maliwanag na kinabukasan,” sabi ni Marcos.
Sinabi ng Pangulo na ang Dinagyang ay “nagpapakita ng kasiglahan ng lloilo at ang malalim na pakiramdam ng pagkakaisa at pagmamalaki na tumutukoy sa mapagmataas at matatag na mga tao nito.”
“Ang Dinagyang Festival ay repleksyon ng mayaman at makulay na mosaic na bumubuo sa lahat ng ating mga katutubong grupo, kasama na ang magigiting at matatag na mga Ati na pinarangalan din natin ngayon,” he said.
Idinaraos taun-taon tuwing ikaapat na Linggo ng Enero sa Iloilo City bilang parangal sa Sto. Niño (Child Jesus), ang Dinagyang Festival ay ipinagdiriwang sa pamamagitan ng prusisyon, float parade, at pagtatanghal ng iba’t ibang tribo.
Nagtalaga ang Philippine National Police ng mahigit 2,500 police personnel para matiyak ang mapayapang selebrasyon. —KG, GMA Integrated News