– Advertisement –
NI Osias Osorio
Ipinatapon ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong Japanese na may standing arrest warrant na inisyu ng mga awtoridad ng Japan noong hatinggabi nitong Martes.
Ang mga pugante na Hapones, na kinilalang sina Koyama Tomohir, Nagaura Hirok, at Miura Eisei, ay itinurn-over sa kustodiya ng mga awtoridad ng pulisya ng Japan bago sumakay sa flight ng Japan Airlines patungong Tokyo, Japan.
Nilabag ng tatlo ang mga kondisyon ng kanilang pananatili ayon sa itinakda sa ilalim ng Section 37(a)(7) ng Philippine Immigration Act of 1940 at sa kadahilanang hindi kanais-nais.
Lahat ay may mga standing arrest warrant na inisyu ng mga awtoridad ng Japan para sa mga di-umano’y kriminal na gawain na nakumpirma sa pamamagitan ng mga opisyal na rekord ng gobyerno ng Japan.
Ang pagpapatapon sa kanila ay isinagawa sa malapit na pakikipag-ugnayan sa Japanese Embassy. Bukod pa rito, ang kanilang mga pangalan ay kasama sa blacklist ng BI upang maiwasan ang kanilang pagbabalik sa Pilipinas.