MANILA, Philippines – Pinuna ni Senator Francis “Tol” Tolentino ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa mataas na bilang ng mga nasawi dahil sa Severe Tropical Storm Kristine.

Ang artikulo ay nagpapatuloy pagkatapos ng patalastas na ito

Ayon kay Tolentino, kung nagbigay ang Pagasa ng tumpak na datos sa dami o intensity ng pag-ulan sa mga partikular na lugar, mas naghanda ang mga apektadong local government units at residente.

Aniya, noong nakaraang taon, isulong niya ang pagtaas ng budget ng Pagasa para makakuha ng karagdagang kagamitan.

Ang mga hakbang sa paghahanda ng gobyerno, ani Tolentino, ay batay sa impormasyong ibinigay ng Pagasa.

Ang artikulo ay nagpapatuloy pagkatapos ng patalastas na ito

Binigyang-diin niya na kung hindi makapagbigay ng tumpak na datos ang Pagasa sa pag-ulan, mas makabubuting bumaba na sa pwesto ang mga pinuno nito.

Ang artikulo ay nagpapatuloy pagkatapos ng patalastas na ito

Gayunpaman, binanggit niya na ang usapin ay nakasalalay kay Pangulong Marcos Jr.

Wala pang tugon si Pagasa Administrator Nathaniel Servando sa pahayag ni Tolentino.

Inilabas ni Tolentino ang hamon matapos na ipaabot ang kanyang pakikiramay sa mga pamilya ng 20 biktima ng landslide sa Talisay, Batangas.

Share.
Exit mobile version