Ito ang buod na binuo ng AI, na maaaring may mga error. Para sa konteksto, palaging sumangguni sa buong artikulo.
Sa liham at sa kanyang sumunod na press conference, hindi ibinigay ni Bise Presidente Sara Duterte ang dahilan ng pagbitiw niya sa Marcos Cabinet
MANILA, Philippines – Nagbitiw si Vice President Sara Duterte sa Gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. – bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) at vice chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.
Ang pagbibitiw ay magkakabisa sa Hulyo 19, eksaktong isang buwan mula sa anunsyo noong Miyerkules, Hunyo 19.
Ang Malacañang ang nagpahayag ng pagbibitiw. Sinundan ito ng press conference ni Duterte na ginanap sa DepEd. Sa parehong pagkakataon, hindi ibinigay ang dahilan ng pagbibitiw ni Duterte.
Nasa ibaba ang resignation letter ni Duterte:
– Rappler.com