
Karamihan sa mga Pilipino ay nagpahayag ng paniniwala na ang pag-aalis ng mga paghihigpit laban sa mga dayuhang pamumuhunan at negosyo sa 1987 Constitution ay maaaring humantong sa mas mataas na kalidad na mga trabaho, mas mahusay na mga serbisyo, at mas mababang presyo ng mga bilihin.
Ito ay ayon sa kamakailang survey ng Pulse Asia na kinomisyon ng international think tank na Stratbase Institute.
Ang mga resulta ng survey ay nagpakita na 64% ng mga Pilipino ang naniniwala na ang pag-alis ng mga paghihigpit ay maaaring humantong sa “pagtaas ng mataas na kalidad ng mga trabaho na may mataas na suweldo at mas mahusay na mga benepisyo” habang 56% ay naniniwala na “ang mga serbisyo sa mga stakeholder/customer ay magiging mas mahusay.”
Samantala, ipinakita sa survey na higit sa kalahati o 55% ng mga Pilipino ay naniniwala din na ang naturang aksyon ay maaaring magresulta sa “foreign capital will dominate local investors and businesses” habang 54% naman ang nag-iisip na “the price of goods and services will lower.”
Inilabas ng polling firm ang resulta ng survey noong Miyerkules sa isang consultative session sa Charter change na inorganisa ng Democracy Watch Philippines.
Ang survey, na isinagawa mula Marso 6 hanggang 10, 2024, ay nagtanong sa 1,200 respondents mula sa buong bansa tungkol sa kung ano sa tingin nila ang maaaring maging resulta ng pag-aalis ng mga paghihigpit laban sa mga dayuhang mamumuhunan o negosyo sa kasalukuyang Konstitusyon. —VAL, GMA Integrated News
