Paalam sa ngayon, Greenbelt 1

Tingnan kung ano ang magiging hitsura ng Greenbelt at Glorietta pagkatapos ng pagsasaayos

MANILA, Philippines – Opisyal nang isinara ang Greenbelt 1 ng Ayala Land sa Makati City at malapit nang i-demolish para bigyang-daan ang isang modern-looking mall na magtatampok ng mga nangungunang fashion retail brands.

Ang 41-taong-gulang na Greenbelt 1 ay idinisenyo ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Arkitektura na si Leandro Locsin.

Ang demolisyon ay bahagi ng phased renovation efforts ng Ayala Malls para sa Greenbelt, Glorietta, at Trinoma.

Sa video na ito, ipinakita ng Rappler business reporter na si Ralf Rivas ang rendition ng artist kung ano ang magiging hitsura ng mga mall. – Rappler.com

Share.
Exit mobile version