LUCENA CITY — Nasamsam ng pulisya ang mahigit P1.1 milyong halaga ng shabu (crystal meth) mula sa isang hinihinalang big-time drug trafficker sa isang buy-bust operation noong Huwebes, Hunyo 27, sa Batangas City.

Inaresto ng mga miyembro ng Batangas provincial police drug enforcement unit at local cops si “Angelita” alas-8:45 ng gabi matapos itong magbenta ng shabu na nagkakahalaga ng P300,000 sa isang poseur buyer sa Barangay Alangilan, ayon sa Police Regional Office 4A.

Nakuha ng mga alagad ng batas mula sa suspek ang isang paper bag na may apat na sachet ng shabu na may timbang na 175 gramo na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P1,190,000 sa valuation ng Dangerous Drugs Board.

Nakuha rin ng pulisya ang mobile phone ng suspek para masuri para sa mga transaksyon sa droga.

Tinutunton ng mga otoridad ang pinanggalingan ng shabu na inilalako ng suspek, na itinuring na “high-value” target sa giyera kontra iligal na droga.

Ngayon ay nasa kustodiya ng pulisya, nahaharap si Angelita sa mga kasong anti-drug.

Share.
Exit mobile version