Mahigit 7,000 Pilipino mula sa lahat ng antas ng pamumuhay ang nakiisa sa “Takbo Para sa West Philippine Sea’ sa Pasay City noong Linggo.
Ang mataas na turnout ng mga kalahok ay nagpapahiwatig ng suporta ng mga ordinaryong Fiipino sa adbokasiya ng gobyerno sa West Philippine Sea (WPS), ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesman for WPS Commodore Jay Tarriela.
Inilarawan na matagumpay ang advocacy run, sinabi ni Tarriela na nagsilbing moral booster din ang aktibidad para sa mga unipormadong tauhan ng bansa mula sa PCG at Armed Forces of the Philippines (AFP).
“The mere fact na ang mga karaniwang kababayang Pilipino natin is looking ways to support our fight in the West Philippine Sea, nakakapagpataba ng puso ito sa kasundaluhan natin dito sa Pilipinas,” Tarriela said in an interview shortly after the run.
Ang “Takbo Para sa West Philippine Sea” ay inorganisa ng RUNRIO Inc. kasama ang PCG, ang National Task Force-West Philippine Sea, ang Philippine Information Agency (PIA) at ang Presidential Communications Office (PCO).
Pagkatapos ng Pasay City, gaganapin ang ikalawang leg ng “Takbo Para sa West Philippine Sea” sa Cebu City sa Agosto 4. Magho-host ang Cagayan de Oro sa ikatlong leg ng run sa Setyembre 8.
“Our intention for this activity is to (raise) awareness. Palaganapin natin lalo ang ginagawang effort ng national government sa pagtindig sa laban natin sa West Philippine Sea,” Tarriela said when asked about the significance of the activity.
Sinabi ni Tarriela na ang ibang local government units (LGUs) ay nagnanais na mag-organisa ng kanilang sariling bersyon ng ‘Takbo Para sa West Philippine Sea.’ Sinabi niya na ang layunin ng mga LGU ay “positibong tanda na” ng pagkakaisa ng Pilipinas para sa WPS.
Sa pagharap sa mga hamon ng WPS, sinabi ni Tariella na dapat makipagtulungan ang publiko sa gobyerno sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Aniya, patuloy na ipagtatanggol ng Pilipinas ang mga teritoryo nito. PND