Ito ay nabuo ng AI na nagbubuod, na maaaring magkaroon ng mga pagkakamali. Para sa konteksto, palaging sumangguni sa buong artikulo.

‘Sa pagkakulong ni Duterte, nararamdaman nila na kakampi nila ang Diyos. Na pinakikinggan niya ang kanilang panalangin.’

Napuntahan ko rin ang karamihan ng mga lamay sa mga taong biktima sa war on drugs sa Payatas mula noong pinapatay nila ang mga mahihirap sa tambakan. May isang kakaibang bagay akong napansin noon: may sisiw sa itaas ng mga kabaong at may mga butil ng palay na tinutuka nila. Hindi ‘yon tinatanggal hanggang sa araw ng libing.

Hindi naman lahat ng lamay ang may sisiw. ‘Yon lang pinatay ng walang katarungan.

Tinanong ko ang isang lola para saan ang mga sisiw. Ito ang sabi niya: “Habang tinutuka ng sisiw ang mga butil, tinatamaan din niya ang konsiyensiya ng mga gumawa nito. Hindi makakalayo ‘yon, Father! Mahuhuli o susuko din ‘yon. Igagawad din Niya sa atin ang hustisya.”

Habang papauwi ako, nakaramdam ako ng kalungkutan. Sobrang api na talaga ang mga mahihirap. Wala na silang mapupuntahan. Kundi sisiw na lang.

Hindi ang mga pulis — dahil sila ang pumatay at patuloy na pumatay. Parang baboy nila pinaslang ang mga mahihirap. Sabi ni Digong sagot niya sila kahit saan.

Hindi ang barangay — dahil sa kanila galing ang listahan na pinagbabasihan ng pulis. Hindi nga sila makakahiram ng mga upuan ang luna sa kanila na kalimitan ay puwede naman sana.

Hindi ang hukuman — dahil hawak din silang lahat ni Duterte. Ilan lang ba ang naparusahan?

Hindi sa simbahan — dahil baka kasabwat din sila sa may kapangyarihan. Tahimik ang marami sa kanila.

Wala talagang mapagkakatiwalaan. Wala kundi sisiw na lang.

Ang sisiw ay sagisag ng Diyos ng awa, Diyos ng hustisya at katarungan. Kahit minsan hindi nawawalan ng pag-asa at pakikibaka ang mga biktima. Sa hirap at tiyaga, itinawid nila ang kanilang mga anak upang mabuhay.

May mga pagkakataon na pinatawag sila ng mga opisyal upang tumahimik, iatras ang kaso, kapalit ng malaking halaga. Hindi sila pumayag.

Dahil hustisya lang ang makakapatahimik sa kanilang mahal sa buhay. Hustisya lang ang magbibigay sa kanila ng buhay na walang hanggan. Hustisya ng Diyos na sinagisag ng sisiw sa taas ng kabaong.

Sa pagkakulong ni Duterte, nararamdaman nila na kakampi nila ang Diyos. Na pinakikinggan niya ang kanilang panalangin. Na totoo ang pangako ng Diyos. Hindi pa lahat. Pero nagsisimula nang hanapin ng batas ang mga berdugo.

Sabi nga ng Salmo: “Ito ang araw na ginawa ng Panginoon.”

Sa panitikan, mayroong tinatawag nilang “patula na katarungan”. Sa pagtatapos ng nobela o pag -play, ang mga magagandang character ay gagantimpalaan at ang mga masasamang tao ay parusahan. Ito ay upang hikayatin ang mga may -akda na itakda ang halimbawa ng moral sa lipunan.

Ngunit sa kabila ng panitikan, ito ang pangako ng kaharian-isang kaharian ng kapayapaan at hustisya, at kaharian ng pag-ibig at kagalingan.

Ito ang aming pag -asa. Wala pa tayo doon ngunit nandiyan na kami. Pareho at wala pa. Wala pa tayo roon. Pero Nandoon Na.

Lalo na, itinuturo sa atin ng mga biktima kung ano ito “na pag -asa laban sa pag -asa,” kung paano ito maging “mga peregrino ng pag -asa.” – rappler.com

Si Padre Daniel Franklin Lipario ay ang ikapitong pangulo at pangatlong alumnus president ng Adamson University sa Maynila. Ipinanganak sa Hagdan, Oslob, Cebu, Pilirio ay kabilang sa kongregasyon ng Misyon (Vincentians) sa Pilipinas.

Share.
Exit mobile version