MANILA, Philippines — Na-bypass ng Commission on Appointments nitong Martes ang promosyon ni Ranulfo Sevilla bilang Brigadier General ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kasunod ng oposisyong inihain ng kanyang asawang si Tessa Luz Reyes-Sevilla.
“Na-bypass siya. Ayaw talaga ni Senator Risa Hontiveros. Hindi talaga sapat sa kanya ‘yung eksplanasyon na pangako lang na magbibigay siya ng pondo. Parang gusto yata ay in writing or in contract,” Senate President Juan Miguel Zubiri told reporters in an ambush interview on Tuesday.
(Na-bypass siya. Ayaw talaga ni Senator Risa Hontiveros. It’s not enough for her that Sevilla has promised to provide for his family. I think what they want is to put everything in writing or contract.)
“So to give it more time para magawa yung documentation, they moved to bypass him. Kailangan niyang bumalik para sa kanyang konsiderasyon,” dagdag niya.
Nauna nang ibinunyag ng misis ni Sevilla ang diumano’y nakagigimbal na mga pagkakataong dinanas niya at ng kanyang mga anak sa kamay ng kanyang “mapang-abuso” na asawang militar.