The Cultural Center of the Philippines presents CCP Himig Hiraya: Mga Awit mula sa Tula ni Rio Alma, featuring literary works of National Artist Virgilio Almario, on November 10, 2024, 4PM at the Corazon Aquino Hall, St. Scholastica’s College.

Isang pagsasanib ng panitikan at sining ng pagtatanghal, itinatampok ng CCP Himig Hiraya si Propesor Greg Zuniega na tumutugtog ng orihinal na musika bilang saliw sa ikawalong tula ng Pambansang Alagad ng Sining.

Makakasama ni Prof. Zuniega ang flutist na si Billy Joel Del Rosario, violinist na si Sim Zuniega, kasama ang mga soprano singers na sina Ginger Karganilla, Nicole Pugeda, at Yvette Parcon, gayundin ang mga tenor na sina Etienne Quiminales, Isaac Iglesias, at Vincente Sy.

Si Marcuz Bracia at Ralph Onrubia ay gagawa ng spoken word performance ng mga gawa ni Rio Alma.

Susundan ang mga talakayan sa mga tula ni Alma, sa pangunguna ng mga literary artist na sina Abner E. Dormiendo, Clarissa Villasin Militante, John Iremil Teodoro, Jazmin B. Llana, Mikka Ann V. Cabangon, Nikka Osorio Abeleda, Paul A. Castillo, at Susan Severino Lara.

Ang CCP Himig Hiraya ay sa direksyon ni Nicolas Pichay at pinamumunuan ni Propesor Rebecca Marquez. Ang kaganapan ay pinangunahan ng CCP Intertextual Division sa pagdiriwang ng Book Development Month ngayong Nobyembre.

The event is made possible in collaboration with Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL), Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA), and St. Scholastica’s College Manila.

Magkakaroon ng book fair ang San Anselmo Press, na nagtatampok ng mga gawa at aklat ng NA Rio Alma.

LIBRE ang kaganapan sa publiko. Para sa imbitasyon, makipag-ugnayan sa CCP Intertextual Division sa pamamagitan ng ccpintertextualdivision@gmail.com o ang kanilang opisyal na pahina sa Facebook.

Share.
Exit mobile version