SAN ANTONIO, Zambales – Simula sa Lunes (Abril 1), tatanggap ng pagtaas sa kanilang buwanang sahod ang mga ‘kasambahay’ o domestic helpers sa Central Luzon, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Mahigit 126,000 kasambahay sa rehiyon ang tatamasahin ang P6,000 na minimum wage hike batay sa Wage Order No. RBIII-DW-04 na inisyu ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board noong Marso.
Magkakabisa ang kautusan sa Lunes.
Ang bagong wage rate ay P1,000 o 1,500 na mas mataas kaysa sa dating rate na P4,500 hanggang P5,000 rate sa mga chartered cities, first class municipalities at iba pang munisipalidad, sabi ng DOLE.
Ayon sa board, kinailangang taasan ang umiiral na monthly minimum wage rates para sa mga domestic helpers matapos isaalang-alang ang socio-economic conditions sa rehiyon.