BACOLOD CITY — Kinilala ng Guinness World Records ang “Manok ni Cano Gwapo Tan” sa Campuestohan Highland Resort sa Talisay City, Negros Occidental bilang pinakamalaking gusali na hugis manok.
Ang 15-silid na gusali ay tumatayo sa ibabaw ng resort sa Sitio Campuestohan, Barangay Cabatangan.
Ito ay pasisinayaan sa Oktubre 19, sabi ng may-ari ng resort na si Ricardo “Cano” Tan.
“Ang pinakamalaking gusali sa hugis ng manok ay may sukat na 34.9 metro (114 piye 7 pulgada) ang taas, 12.1 metro (39 piye 9 pulgada) ang lapad at 28.1 metro (92 piye 5 pulgada) ang haba at naabot ni Ricardo Cano Gwapo Tan (Philippines) sa Campuestohan Highland Resort sa Negros Occidental, Philippines, as verify on 8 September 2024,” idineklara ng Guinness World Records sa website nito.
Ang gusali ay naglalarawan ng tandang at ito ay isang hotel sa loob ng Campuestohan Highland Resort, idinagdag nito sa post nito.