Ito ang buod na binuo ng AI, na maaaring may mga error. Para sa konteksto, palaging sumangguni sa buong artikulo.

Arestado sa magkahiwalay na manhunt operation ang natanggal na pulis na si Allan de Castro at ang bodyguard-driver nitong si Jeffrey Magpantay.

BATANGAS, Philippines – Naaresto na ng pulisya ang dalawang pangunahing suspek na iniugnay sa kaso ng nawawalang beauty queen contestant na si Catherine Camilon.

Ang na-dismiss na pulis na si Allan de Castro at ang kanyang bodyguard-driver na si Jeffrey Magpantay ay inaresto sa magkahiwalay na manhunt operations sa Barangay Caloocan, Balayan, Batangas, noong Setyembre 14, kasunod ng pagpapalabas ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Jacqueline Hernandez Palmes ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 3, Batangas City.

Nahaharap ang dalawa sa kasong kidnapping at serious illegal detention na una nang na-dismiss noong Abril 16.

Ang pamilya ni Camilon, gayunpaman, ay naghain ng motion for reconsideration noong Mayo 23, at pinagbigyan noong Agosto 15.

Ang korte ay naglabas ng warrant of arrest noong Setyembre 4.

Sinabi ni Batangas PNP Public Information Office chief Police Major Dave Mercado na ang mga suspek ay naaresto ng mga operatiba ng Batangas PNP Special Intelligence and Tracker Team.

Kasalukuyang nakakulong sina De Castro at Magpantay sa Balayan Custodial Facility.

Huling nakita si Camilon noong Oktubre 12, 2023 at naiulat na nawawala pagkalipas ng limang araw. – Rappler.com

Share.
Exit mobile version