Lalaking arestado dahil sa umano’y smuggled na sigarilyo

Inaresto ng pulisya ang isang suspek na nahuling nagsasalansan ng mga smuggled na sigarilyo sa Sta. Cruz town, Davao del Sur noong Linggo, January 5.

Sinabi ni Brigadier General Leon Victor Rosete, Police Regional Office – XI director, na nasabat ng mga operatiba ang 2,500 reams ng smuggled na sigarilyo mula sa suspek sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Barangay Astorga.

Aniya, iba ang target ng operasyon — suspek sa panggagahasa — nang makita ng mga operatiba ang suspek na may dalang mga ipinagbabawal na sigarilyo.

P100,000 reward para sa Zambo cop na nakapatay ng 2 gunmen

Magbibigay ang lokal na pamahalaan ng Zamboanga City ng P100,000 cash reward para sa pulis na nakapatay ng dalawang gunman sa shootout sa harap ng Mount Carmel parish church sa Ayala Village noong Bagong Taon.

Sinabi ni Mayor John Dalipe na igagawad ng pamahalaang lungsod si Police Master Sergeant Ryan Mariano para sa kanyang “magiting na pagkilos at katapangan” sa labanan ng baril na ikinasawi ng dalawang gunmen.

Naka-duty si Mariano, miyembro ng Station Drug Enforcement Team ng Zamboanga City Police Station 9 na nakabase sa Ayala village at nakuhanan ng closed-circuit television camera ang kanilang bakbakan.

Nagsalpukan ang 2 motorized boat sa Surigao Sur

Dalawang bangkang de motor, isa na puno ng mga turista, ang nagbanggaan noong Biyernes, Enero 3, sa karagatang sakop ng bayan ng Cantilan sa Surigao del Sur, dahilan upang maglunsad ng operasyon ang mga lokal na mangingisda para iligtas sila.

Sa isang ulat, sinabi ng Philippine Coast Guard substation sa bayan ng Cantilan na 23 katao ang nailigtas ng mga mangingisda, kabilang ang dalawang kapitan ng mga sinapit na bangka.

Ayon sa ulat, isang turista ang nasugatan at dinala sa malapit na ospital para gamutin. (Froilan Gallardo / MindaNews)

Share.
Exit mobile version