The Metropolitan Theater celebrates its 93rd anniversary with a grand performance entitled “Samot-Saring Bida: Bodabil ng Pag-Asa” last December 7, 2024 at its very own stage in Ermita, Manila.
Ang bodabil ay ang terminong Filipino para sa vaudeville, isang uri ng libangan na sikat sa Pilipinas noong 1910s hanggang kalagitnaan ng 1960s. Ito ay pinagmumulan ng mass entertainment sa mga sinehan, na nagpapakita ng iba’t ibang talento ng mga performers nito.
Ang Samot-Saring Bida: Bodabil ng Pag-Asa ay binubuo ng siyam na mga segment na may mga pagtatanghal mula sa kanta at sayaw, hanggang sa komedya, hanggang sa mga magic show. Ang lahat ng mga pagtatanghal ay ginagawa ng mga artista sa teatro at iba pang mga propesyonal na performer.
Present sa mga performers ang “Miss Saigon” star, Izay Alvares, na nagbigay pugay kay Katy de la Cruz, na kilala bilang ‘Queen of Bodabil’ noong 1900s. Binigyan din ng puppeteer at ventriloquist na si Ony Carcamo ang mga manonood ng kanyang papet na ‘Kulas’.
Ang bodabil, ay nagbahagi ng mga impormasyon tungkol sa anyo ng sining sa bawat segment ng programa. Nagpakita ito ng mga kilalang tao, mga kaganapan, at iba pang kapansin-pansing impormasyon na ginawa ang bodabil kung ano ito ngayon.
Sa pagtatapos ng bodabil, ang buong grupo ng palabas ay nagtanghal ng ‘Susulong Muli ang MET’ bilang pagpupugay sa ika-93 anibersaryo ng makasaysayang teatro. Ang Samot-Saring Bida: Bodabil ng Pag-Asa ay isang patunay ng kadakilaan ng Metropolitan Theater sa pagpaparangal sa talentong Pilipino at sa katatagan nito sa paglipas ng mga taon.
“Hanggat may pusong tumitibok para sa sining, mananatili itong buhay, said Isay Alvarez during her heartfelt message for the theater’s anniversary.