MANILA, Philippines – Magdadala ang easterlies ng maulap na papawirin at pag-ulan sa karamihang bahagi ng bansa, sinabi ng weather bureau nitong Sabado.

Batay sa 4 am weather advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), ang easterlies ay magdudulot ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog sa Cagayan Valley, Aurora, Quezon, Bicol Region, at Eastern Bisaya.

Ang artikulo ay nagpapatuloy pagkatapos ng patalastas na ito

Sinabi ng Pagasa na ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng mga localized thunderstorms.

Nagbabala ito sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa matinding pagkidlat.

Walang low-pressure area ang posibleng mabuo, base sa monitoring ng Pagasa.

Share.
Exit mobile version