Isang magnitude 5.7 na lindol ang tumama sa General Luna sa Surigao del Norte noong Sabado ng umaga, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Sa isang advisory, sinabi ng PHIVOLCS na tumama ang tectonic na lindol sa silangan ng General Luna alas-2:43 ng umaga. Ito ay may lalim na focus na 40 kilometro.
Naramdaman ang lindol sa Intensity I sa Lungsod ng Bislig sa Surigao del Sur.
Bagama’t walang naitalang pinsala, sinabi ng PHIVOLCS na inaasahan ang mga aftershocks. —LDF, GMA Integrated News