#EarthquakePH #EarthquakeSultanKudarat
Impormasyon sa Lindol Blg.1
Petsa at Oras: 13 Enero 2025 – 08:19 AM
Magnitude = 5.1
Lalim = 546 km
Lokasyon = 06.68°N, 123.95°E – 018 km N 38° W ng Kalamansig (Sultan Kudarat)https://t.co/pJNKYStini pic.twitter.com/wTltg18ccS— PHIVOLCS-DOST (@phivolcs_dost) Enero 13, 2025
Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Kalamansig, Sultan Kudarat noong Lunes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Naitala alas-8:19 ng umaga, sinabi ng PHIVOLCS na ang lindol ay may depth of focus na 546 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Inaasahan ang mga aftershocks pagkatapos ng lindol, dagdag nito.
Wala pang impormasyon ang PHIVOLCS sa mga naiulat na intensity dahil sa lindol. — Joviland Rita/RSJ, GMA Integrated News