Sinaksihan ni Ambassador ENDO Kazuya ang pagpirma kasama sina US Ambassador Marykay Loss Carlson, Embassy of Korea in the Philippines Minister Sang Seung-Man at KOICA Vice President Kim Dong Ho. Naroon din sina Department of Health Secretary Teodoro J. Herbosa at BARMM Minister of Health Dr. Kadil M. Sinolingding Jr.
Ang MOC ay nilagdaan ni JICA Philippines Chief Representative SAKAMOTO Takema, KOICA Philippines Country Director Kim Eunsub, at USAID Philippines Mission Director Ryan Washburn.
Binigyang-diin ni Ambassador Endo, sa kanyang Keynote speech, ang kahalagahan ng pagtutulungan ng tatlong bansang ito upang isulong ang isang mas matatag at mahusay na rehiyonal na sistema ng pangangalagang pangkalusugan na magagamit ng komunidad at mga mahihinang grupo sa loob ng BARMM. Higit pa rito,
Binanggit ni Ambassador Endo na tututukan ng Japan ang pagpapalakas ng mga serbisyong pangkalusugan ng ina at bagong panganak, gayundin ang pagpupursige ng pinabuting nutrisyon para sa rehiyon. Ang mga layuning ito ay naaayon sa mahabang pangako ng Japan sa seguridad ng tao at paggawa ng kapayapaan sa loob ng BARMM, at itinataguyod ang agenda ng Japan na “Women, Peace and Security”.